top of page
Pokwang.jpg

SAYANG ANG 24 PTS. NI CLARKSON BUCKS AT ROCKETS, MALAKAS PA

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 29, 2018
2 min read

SC : Net

NAKAANGAT pa ang Memphis Grizzlies sa dikdikang laban nila ng Cleveland Cavaliers, 95-87 para sa muling maitarak ang ikalawang sunod na tagumpay sa NBA game kahapon.

Bumasket ng 20 points, 9 rebounds at 6 assists si Marc Gasol upang maging pambato ng Grizzlies habang nasayang naman ang 24 points mula sa bench na nagawa ni Fil-Am guard Jordan Clarkson para sa Cavaliers, maging ang 16 markers ni rookie Collin Sexton. Dahil dito, nalaglag sa ikaapat na kabiguan ang Cleveland, na mayroon nang naiiwan na 8-27 win-loss record.

Samantala, sa iba pang laban, dalawang araw matapos na bumida si Giannis Antetokounmpo sa team ng Milwaukee Bucks laban sa New York sa Madison Square Garden, muli siyang nanalasa at nakapagtala ng triple-double, 112-96 victory sa bisitang New York Knicks.

Umiskor ang “Greek Freak” ng 31 points, su­munggab ng 14 rebounds, 8 assists at nakapag-block ng 4 shots sa Milwaukee. Sa pa­nalo nila sa Bucks, 109-95, nakagawa si Antetokoun­mpo ng 30 points, 14 rebounds, 3 assists at 4 steals.

Unang nagdala si Khris Middleton sa team habang nagsisimula pa lamang magpainit sa laro si Antetokounmpo. Tumapos si Middleton ng 25 puntos kabilang na ang 9 sa 3rd quarter nang buksan ng Milwaukee ang 12 point lead.

Naging mahigpitan ang 4th quarter nang pabagsakin ni Enes Kanter si Antetokounmpo sa sahig na nadaganan ng kamay ang ulo sa may 9:56 minuto. Nag-face-to-face ang players at tila mainit ang ulo ni Kanter. Nahinto ang laro, binigyan si Kanter ng double-technical at na-eject. Na-technical si Antetokoumpo pero nanatiling naglalaro.

Samantala, sa iba pang laro, nakapagsalpak si James Harden ng 9 na basket nang pasabugin ng Houston Rockets ang Boston Celtics.

Naipatas ni Harden ang career high na 3 puntos nang palawigin ng Houston ang home-court winning streak sa walong sunod na laro sa bisa ng 127-113 na panalo kontra sa bisitang Boston Celtics.

Humalibas si Harden ng game-high 45 points, ang kanyang ikawalong sunod na laro sa 30 puntos, kumana ng siyam sa nagawang 18 tres at bitbitin ang Rockets sa ika-8 panalo sa siyam na laro.

Samantala, pinagmulta ng NBA si Orlando Magic guard forward Terrence Ross ng halagang $25,000 nang ibato nito ang bola kasunod ng huling buzzer noong Miyerkules, 122-120 na pagkatalo sa Phoenix Suns. Iniutos ng NBA head ang pagpapataw ng multa.

Matapos ang pagmintis ng tira ni Evan ng Magic na isang tres puntos sana pero hindi na humabol sa segundo, tumalbog ang bola sa kamay ni Ross at agad niya itong isu-swak pero nagmintis at sinungga­ban niya ito at dahil sa pagkadismaya ay ipinukol niya ito nang malakas sa dulo ng court. (MC/ATD)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page