Next Diamond Star? MAINE, MAY 'K' NANG PUMALIT KAY MARICEL
- BULGAR

- Dec 29, 2018
- 1 min read

HINDI nga nagkamali sina Bossing Vic Sotto at Coco Martin sa kanilang mga papuri sa Dubsmash Queen na si Maine Mendoza, na nakipagsabayan sa kanila sa mga eksena nila sa Jack Em Popoy: The PulisCredibles.
Astig ang porma, jologs at kikay si Maine bilang Emily, adopted daughter ni Popoy Fernandez (Vic Sotto) na isang pulis sa Jack Em Popoy.
Nakikita namin kay Maine si Maricel Soriano noong kainitan ng love team nila ni William Martinez.
Natural umarte at natural comedienne si Maine at bumagay siya kay Jack (Coco).
Magandang project sana in the future ang Maricel-Maine movie.





Comments