Napoles, ilipat sa correctional

INIUTOS na ng Sandiganbayan First Division ang paglilipat ng piitan sa tinaguriang pork barrel scam queen na si Janet Lim Napoles kaugnay sa kanyang kasong plunder.
Mula sa kanyang detensiyon sa Camp Bagong Diwa, Taguig City ay dadalhin na sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City si Napoles.
“I hereby commit to you the person Janet Lim Napoles sentenced by this Court per decision promulgated on December 7, 2018,” ayon sa korte.
Una nang nakulong si Napoles sa CIW matapos matukoy na guilty ito sa kasong illegal detention.
Gayunman, pinawalan-sala siya ng Korte Suprema kaya ibinalik sa Camp Bagong Diwa habang dinidinig ang iba pa nitong kaso tungkol sa pork barrel fund scam.
Nauna na ring naghain si Napoles ng motion for reconsideration sa Sandiganbayan para ipaliwanag ang pangangailangan na siya ay mapawalansala sa plunder case makaraang maabsuwelto ang kapwa nito akusado na si dating Senador Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr.





Comments