top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Motor sumalpok sa trike at bus, 2 dedo

  • Jeff Tumbado
  • Dec 29, 2018
  • 1 min read

DEDBOL ang isang rider at angkas nito sa motorsiklo habang dalawang iba pa ang sugatan sa magkahiwalay na insidente sa Pangasinan.

Hindi na umabot nang buhay sa ospital si Robin Malacad, 18, nang sumalpok ang motorsiklo nito sa traysikel sa Manila North Road (MNR) sa Bgy. Cablong, Pozorrubio.

Nagpapagaling naman sa Pozorrubio Community Hospital ang angkas ni Malacad na si Alvin Domenden, 23. Binabagtas ni Malacad ang kalsada nang biglang sumulpot ang traysikel mula sa gasolinahan.

Sa bilis ng pagpapatakbo, hindi na nito naiwasan ang traysikel at sumalpok.

Hindi nasaktan ang tricycle driver na si Orencio Tacuel, 47, na ngayon ay nasa kustodiya na ng pulisya.

Bago ito, nasawi rin sa aksidente ang 21-anyos na si Liezel Mamaril nang tumilapon ito mula sa motorsiklong sinasakyan nito na sumalpok sa pampasaherong bus sa highway ng Bgy. Garrita.

Hindi umano napansin ng drayber ng motor na si Perfien Farnacio, 22, ang bus nang kumaliwa ito at bumangga sa katawan ng sasakyan.

Nagpapagaling na sa ospital si Farnacio.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page