Lalaking worried kung sasagutin ng nililigawan
- ROMA AMOR
- Dec 29, 2018
- 1 min read
Dear Roma,
Ako si Vince, 22 years old, pero wala pa akong GF. May nililigawan ako at magdadalawang taon na rin akong nanliligaw sa kanya. First year college pa lang ay type ko na talaga siya kaso 2nd year college lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para ligawan siya. Sa ngayon ay okay naman ang panliligaw ko sa kanya, kaya lang ang tagal ko nang nanliligaw, pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang sagot. Minsan naiisip ko kung sasagutin pa kaya niya ako? Roma, dapat pa ba akong umasa na magiging kami? Maraming salamat! — Vince
Vince,
Alam mo, iho, huwag kang mainip sa pag-aantay ng sagot sa iyong nililigawan dahil kung talagang mahal mo siya, eh, maghihintay ka, gaanuman ‘yun katagal. Tulad nga ng sinabi mo, okay naman ang panliligaw mo sa kanya, kaya kaunting tiyaga pa dahil magiging worth it ang iyong pag-aantay at effort kapag naging kayo na. Good luck sa’yo, bro!





Comments