KONTRATA NI JAMES YAP, EXTENDED; DESIDERIO AT TRATTER SA B’ELITE
- Clyde Mariano / MC
- Dec 29, 2018
- 1 min read

BUHAY pa ang career ng tatlong taong season para sa Rain or Shine Elasto Painters kung saan ay pinalagdang muli ng kontrata rito si James Yap. Ang pagpirma ng 36-anyos na star player na si Yap ay kinumpirma ni RoS co-team owner Raymund Yu at iyon mismong karagdagang contract extension umano ang kahilingan ni Yap. Baka ito na rin daw ang last contract ni Yap na nagpapahiwatig na rin ang dating shooting guard ng University of the East ng kanyang pagreretiro.
Napasakamay na ni Yap ang career milestone na 10,000 points habang ito ay nasa Rain of Shine.
Samantala, tuwang-tuwa ang Blackwater Elite sa pagpirma ng kontrata ng bago nilang manlalaro na sina Paul Desiderio at Abu Tratter. Pumirma ng three-year maximum contract, ayon kay team manager Joel Co ang dating University of the Philippines player. Kapareho rin ng three-year max deal na pinirmahan ng 7th draft pick na si Tratter.
May 1-year deal na nilagdaan si Diego Dario para sa koponan. Ikinatuwa ng Elite, ayon kay Co ang pagpirma ng kontrata ng tatlo bago matapos ang 2018.





Comments