Kapalit ng trabaho, pabahay at libreng pag-aaral | 8,000 REBELDE SUMUKO

AABOT sa 8,000 rebelde ang sumuko mula nang ipatupad ng gobyerno ang localized peace talks laban sa mga komunista.
Sa press briefing sa Malacañang, ipinagmalaki ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang magandang naging epekto nito kung saan pinagkalooban ng libreng pag-aaral at trabaho ang mga sumuko.
“Buong taon 8,000 na iyong bumababa at ito ay binibigyan natin ng kaukulang assistance from the government, like housing, iyong livelihood nila, schooling of the kids, medical care. Iyong TESDA, they are going to train these people for skills. And hindi lang iyon, hindi lang sila iti-train kung hindi ihahanap pa sila ng trabaho kapag tapos na silang mag-training,” ani Lorenzana.
“So, this is a complete package that we are giving to those who are coming down, iyong mga tinatawag nating former rebels that will join the government or join the community so that they can live also normally within their communities,” paliwanag pa ni Lorenzana.
Sinabi ng kalihim na sa kabuuang 8,000, nasa 1,700 ang isinuko ang kanilang mga baril kung saan karamihan dito ay mga militia.





Comments