Ika-30 kaso ng Dengvaxia, isinampa ng PAO sa DOJ

PORMAL nang isinampa sa Department Of Justice (DoJ) ng Public Attorneys Office (PAO) ang ika-30 kaso na may kaugnayan sa Dengvaxia vaccine.
Ang hakbang ay kasunod sa pagkamatay ng 12-anyos na si Kristel Jean Magtira ng Candaba, Pampanga ngayong taong ito na sa inisyal na diagnosis ng mga doktor ay aneurism ang sanhi o pagputok ng ugat sa ulo.
Sinabi naman ni Dr. Erwin Erfe, pathologist ng PAO na ang nakita nila sa utak ng bata ang isa sa matinding kaso ng internal bleeding na nakita nila sa mga biktima ng Dengvaxia.
Kasabay nito, isang rally naman ang isinagawa ng mga magulang at tagasuporta ng PAO sa labas ng DOJ.
Panawagan nila ang pagbibitiw ni Health Secretary Francisco Duque III dahil sa umano’y pakikipagsabwatan para itago ang katotohanan.





Comments