GYMNAST YULO, PINAMASKUHAN DAHIL SA BRONZE SA DOHA WAGC
- Clyde Mariano
- Dec 29, 2018
- 2 min read

BILANG pagkilala sa kanyang kabayanihan sa 2018 World Artistic Gymnastics Championships sa Doha, Qatar kung saan nanalo siya ng tanso, ginantimpalaan si Carlos Yulo ng P250,000 ng Philippine Sports Commission at personal na inabot ni Commissioner Celia Kiram ang tseke sa 18-anyos na gymnast ng Pasay City na sinaksihan ni Gymnastic Association of the Philippines president Cynthia Carrion.
“The check is in recognition to his remarkable performance in Qatar. Imagine, PSC usually gives reward to athlete who performed outstandingly like Yulo did. He is a jewel in gymnastic and the Philippine pride,” sabi ni Kiram sa press conference na ginawa sa GAP office. “Nagpapasalamat ako sa PSC lalo na kay Chairman William Ramirez sa gantimpala na ipinagkaloob sa akin,” masayang sinabi ni Yulo.
Si Yulo ang unang gymnast sa Southeast Asia na nanalo ng medalya sa World Artistic Gymnastic at pinatunayan ng Pinoy na siya ay world class. Aniya, target niyang makapaglaro sa 2020 Tokyo Olympic at isulat ang kanyang pangalan sa kasaysayan bilang unang Pinoy na nakapaglaro sa quadrennial sa loob nang 50 taon mula sumali sina Ernesto Beren at Norman Henson noong 1968 edition sa Mexico. “My ultimate goal is to compete and win medal in the Olympics. I will do my best to fulfill my dream,” wika ng Tokyo-based Pinoy na nag-aaral ng foreign language sa Teykyo University.
Bago matupad ni Yulo ang pangarap makasabak sa Tokyo Olympic, kailangang ma-qualify siya sa isa sa dalawang qualifying tournaments na gagawin sa Australia sa Pebrero at Azerbaijan sa Marso.
“Paghahandaan ko to nang husto. Umpisahan ko ang ensayo after New Year. Magiging full blast ang training ko,” ani Yulo na magdiriwang ng kanyang 19th birthday sa Pebrero 16.
Nag-training si Yulo kay Japanese coach ng Yokohama na si Munehiro Kugimiya na kinuha ni Carrion kapalit ni Romanian mentor Luminita Eftimiu.





Comments