Galing sabungan, niratrat KANDIDATONG RADIO ANNOUNCER TODAS SA RIDING-IN-TANDEM
- Jeff Tumbado
- Dec 29, 2018
- 1 min read

PATAY ang isang radio announcer na tumatakbong konsehal sa La Libertad, Negros Oriental makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem.
Nakilala ang biktima na si Gabriel Alburo ng DYJL light radio.
Nabatid kay SPO1 Jared Oclinaria, pasado alas-3:00 ng madaling-araw ng Biyernes, sakay ng motor ang biktima habang binabaybay ang National Highway sa Bgy. North Poblacion nang bigla itong tambangan ng dalawang hindi pa kilalang mga suspek na nakamotor din.
Ani Oclinaria, galing sa sabungan ang biktima at pauwi na nang ito ay pagbabarilin.
Lumalabas pa sa imbestigasyon na may nakaalitan umano ang biktima sa sabungan bago ito pinaslang.
Patuloy pang inaalam ng pulisya ang motibo sa krimen.





Comments