top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Dating pusher binaril, utas

Levi Gonzales
Dec 29, 2018
1 min read

BINARIL hanggang sa mapatay ng mga hindi nakikilalang suspek ang isa umanong dating drug personality sa Bgy. Malabanban Sur, Can­de­laria, Quezon.

Ayon sa imbestigas­yon, alas-7:30 ng gabi nang mangyari ang insidente sa loob ng bahay ng biktimang si Joselito Villamor, 32, may asawa, laborer.

Nasa kusina ito habang kumakain nang biglang pasukin ng ilang armadong kalala­kihan.

Agad siyang pinag­babaril sa ulo at katawan na daglian nitong ikina­matay saka nagsitakas ang mga salarin.

Inaalam pa kung may kaugnayan sa dati ni­tong kasong iligal na droga ang motibo sa pagpatay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page