top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

CAUSO AT IM RANOLA, NAKA-PODIUM SA BLITZ HONG KONG OPEN TOURNEY

Eddie M. Paez, Jr
Dec 29, 2018
1 min read

NARAMDAMAN ang bangis ng mga Pinoy wood­pushers matapos makasik­wat ng mga upuan sa podi­um sina FIDE Master Deniel Causo at International Mas­ter Yves Ranola sa standard chess at si Michael Concio Jr. sa larangan ng blitz nang isara ang LEAP Hongkong International Open Chess Tournamnet sa palaruan ng St. Benedict’s School sa Choi Hung, Kowloon, Hongkong.

Walong panalo sa siyam na laro ang naging tuntungan ni Causo, may FIDE Rating na 2285, sa pagkulekta ng kabuuang 8 puntos at pagku­ha ng pangalawang puwesto sa likod ng nanggulat na Ja­panese gem na si Mirai Aos­hima.

Kasama sa mga nabikti­ma ng Pinoy ay si Grand­master Alexander Fominyh ng Russia, Chinese IM Bo Li at FM Daniel King Wai Lam ng punong-abalang Hong Kong. Sinakyan ni Ranola, dating Far Eastern University stalwart, ang anim na panalo at dalawang tabla para makaipon ng 7 puntos at makaakyat siya sa pa­ngat­long baytang.

Si Concio ang best per­former sa pangkat ng under 18 chessers sa kompetis­yong umakit ng mga kalahok mula sa Australia, Canada, China, Japan, Malaysia, Mon­golia, Russia, Singa­pore, Switzerland, Thailand, Taiwan at USA.

Bukod sa makinang na sulong sa standard chess, matunog din ang binatilyong Pinoy sa paspasang ahedres na tinatawag na blitz. Dito, naitakbo ni Concio ang isang bridesmaid finish sa tulong ng 7 panalo at isang tabla tungo sa pinal na kartadang 7.5 puntos. Ang Rusong si Fominyh ang nanguna sa walang mantsang rekord na siyam na puntos samanta­lang napasaya ni Lam ang mga taga-Hong Kong nang makasampa ito sa pangat­long baytang bitbit ang anim na puntos.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page