Bgy. treasurer dinukot, pinatay

DINUKOT saka pinatay ng hindi pa nakikilalang suspek ang isang barangay treasurer sa Bgy. Gumamela, Balayan, Batangas.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, pasado alas-6:00 ng umaga nang matagpuang nakahandusay sa lugar ang biktimang si Dindo Legaspi, ng Bgy. Sampaga, ng naturang bayan.
May tama ng bala sa ulo at posibleng pinahirapan muna bago ito pinatay saka itinapon sa natagpuang lugar upang mailigaw ang pulisya sa imbestigasyon.
Wala pang linaw ang mga awtoridad sa motibo ng krimen at pagkakakilanlan sa mga suspek.





Comments