3 rebelde sumuko sa army
- Pabs Hernandez III
- Dec 29, 2018
- 1 min read
BUKIDNON—Tatlong miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa Philippine Army (PA), kamakalawa sa Bgy. St. Peter, Malaybalay sa lalawigang ito.
Para sa kanilang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang mga sumukong rebelde.
Nabatid na isinuko rin ng tatlong NPA ang kanilang mga armas at subersibong dokumento.
Ayon sa mga sumukong NPA, kaya umano sila nagbalik-loob sa pamahalaan ay upang makapagbagong-buhay at makapiling ang kanilang pamilya.





Comments