SERYOSO KA BA SA TAEKWONDO, BAKA IKAW NA ANG PINAKAMAHUSAY NA PAMBATO SA SEAG?

MAGSASAGAWA ang Philippine Taekwondo Association ng seryoso at malawakang eliminations sa susunod na taon para piliin ang pinakamagaling na atletang kakatawan para sa ‘Pinas sa 2019 Southeast Asian Games.
“We will conduct series of eliminations to pick the best and the brightest fighters to ensure victory,” sabi ni PTA Executive Director Sung Chon Hong sa panayam sa kanya tungkol sa nasabing eliminations. “The SEA Games will be held here and it is proper and logical to field our best fighters to win many medals to satisfy millions of Filipinos who are hoping and praying for their success.”
Ayon sa dating world taekwondo champion ng Seoul, South Korea, personal niyang panonoorin ang mga atletang lalahok sa elims kasama ang coaches para piliin ang karapat-dapat na atleta sa SEA Games.
Walong gold sa men at women ang paglalabanan sa 30th edition ng 11-nation biennial meet tampok ang mahigit 10,000 atleta na magpapaligsahan sa 56 sports kasama ang medal rich athletics at swimming.
Ang pinakamagandang ipinakita ng taekwondo sa SEAG ay noong 1991 na nanalo ng 7 ginto, 2 pilak at 5 tanso kasama ang athletics at swimming. Ang mga gold medalists ay sina Ramil Abratique, Walter Dean Vargas, Ulysses Marcelino, Bea Lucero, Digne de Leon, Ma. Nelia Sy, at Sharon Sowy.
Sinabi ni Sung na mahigpit na kalaban ng mga Pinoy ang Vietnam, Thailand, at Indonesia.
Naniniwala ang Koreano na kayang manalo ng Pinoy dahil may angking husay tayo sa taekwondo na nage-ensayo sa Korea at sumabak pa sa mga highly competitive international tournaments.
Gagawin ang taekwondo sa state-of-the-art New Clark City Sports Complex sa Capas, Tarlac.





Comments