top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Pabuya na galing sa kaban ng bayan dapat pang-public enemy lang at hindi pampolitika, period!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 28, 2018
2 min read

PASIKLAB NI P-DUTERTE, P20 MIL­YONG PERA NG BAYAN, PANG-RE­WARD SA NAGPAPATAY SA KA­AL­YADO NIYANG PULITIKO — Nagpa­siklab si P-Du­terte nang ianunsiyong da­ragdagan niya ng P20 milyon ang naunang P30 milyong reward money ng Batocabe family sa sinumang ma­kapagbibigay ng im­pormasyon sa mastermind sa pagpatay kay Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe.

Ang tanong: ‘Yan bang P20 milyon ay sa bulsa ni P-Duterte manggagaling o sa ka­ban ng bayan?

Bagama’t, kabilang tayo sa naghahangad na mahuli ang mga salarin, hindi tayo pabor na sa pera ng bayan kukunin ang P20 milyon reward kasi sa totoo lang, walang paki ang taumbayan sa ambisyong politikal ni Ba­tocabe sa Albay na nagdulot ng kanyang kamatayan, boom!

◘◘◘

REWARD MONEY, DAPAT PANG-PUBLIC ENEMY LANG, HINDI PAM­­POLITIKA — Ang reward money na dapat kunin sa kaban ng bayan ay ang halagang ipapatong sa ulo ng mga public enemy ng li­punan tulad ng mga terorista, most wanted criminal at drug lord.

Ang mastermind sa “Batocabe killing” ay hindi public enemy kasi mismong si P-Duterte na rin ang nagsabi na kalaban daw sa politika ang utak sa krimen.

Kaya kung sa kaban ng bayan kukunin ang pang-reward sa mastermind sa “Bato­cabe slay”, eh, unfair ‘yan sa taxpayers, mantakin n’yo, P20 milyon pera ng bayan mapupunta lang sa mag-‘tsutsutsu’ sa kri­meng ito, gayung kung ang P20 milyon na ito ay ipam­bibili ng saku-sakong bigas at magpamigay ng tig-2 kilo sa mga mahihirap ay may isang milyong maralitang Pinoy makikinabang d’yan, period!

◘◘◘

PNP-CITF, ‘NGANGA’ SA MGA SCALAWAG — Noong si Sr. Supt. Chi­quito Malayo pa ang hepe ng PNP-Counter Intel­ligence Task Force (CITF), maraming nahu­huling police scalawag, pero ngayong si Sr. Supt, Romeo Caramat na ang chief ng PNP-CITF, bihirang mabalita na may nahuli silang tiwaling pulis.

Ibig sabihin, ang PNP-CITF na itinatag noon para dakpin ang mga scalawag ay “nganga” na lang ngayon sa mga buwayang parak, boom!

◘◘◘

GALAMAY NG DRUG LORD, SA ILIGAN CITY, NASA CAMANAVA NA — Ang mga galamay daw ng isang bigtime drug lord sa Iligan City ay nagpapakalat na raw nga­yon ng shabu sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela) area.

Ngayon, dapat pa bang i-memorize kung bakit talamak ang drug addiction sa ju­risdiction ni NPD Director Rolando Andu­yan, buwisit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page