top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Hirit ng PNP sa mga pulitiko: Mag-abiso kung may gagawing aktibidad nang sa gayun ay hindi napapaham

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 28, 2018
  • 1 min read

KASUNOD ng insidente sa pag­kakapaslang kay Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe, ipinaalala ni Philippine National Police (PNP) Di­rector General Oscar Albayalde sa mga pulitiko na kung may gagawing aktibidad sa iba’t ibang panig ng bansa ay mag-abiso sa kanila nang sa gayun ay makapagbigay sila ng karagdagang police detail na mag­bibigay ng seguridad sa lugar.

Sa ngayon kasi ay dapat nating paigtingin ang seguridad ng bawat isa, lalo na at hindi pa natatapos ang Holiday Season at abala pa ang lahat, lalo na sa mga liblib na lugar na hindi masyadong napupunta­han.

Gayunman, sinabi ng PNP na ang ibibigay nilang proteksiyon ay hin­di lamang para sa taong bibisita kun­di maging sa seguridad ng mga taong pupunta sa magaganap na progra­ma kung saan handa umano ang pulisya na magbigay ng peri­meter security na bahagi umano ng kani­lang tungkulin na sinumpaan para sa bayan.

Samantala, ang panawagan natin sa mga kinauukulan, hindi ito ang panahon para magsisihan o magtu­ruan kung sino ang totoong may pagkukulang, ang tamang maga­gawa na lang natin ngayon ay gu­mawa ng masusing imbestigasyon upang mahuli ang mga suspek at makamit ng biktima at ng kanyang pamilya ang katarungang dapat nilang makuha.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page