GLITTER FACE, WHITE CHOCOLATE

MAGAGANAP ang pitong karera sa Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) na kinabibilangan ng Group Race at Condition Race sa Malvar, Batangas ngayong araw.
Sa inihandang pakarera ng MMTC, tatlong Group Race at apat sa Condition Race ang maglalaban na napapalooban ng Winner-Take-All (WTA), Pick 6,Pick 5 at Pick 4.
Sa ganap ng 6:30 ng gabi mag-uumpisa ang laban kasabay ng WTA sa Group Race at pinapaboran ang Glitter Face at couple entry nitong Sizzling Hot sa Race 1.
Susunod ang Pick 6 event sa Race 2. na paglalabanan ng 10 kalahok at pinapaboran ng couple entry no.1, Yoshiko at Break and Shine.
Masasabi ko na walang kasing patok ang Helushka at puwedeng pamorkas ang Gentleman Jim at Manila Boy sa Race 3. Paglalabanan naman ng mga kalahok na Miss Thrifty, Mabsoy, Tipping Point at couple entry na Holy Bullea at Liliput ang Group Race (10) sa Race 4.
Dalawang mananakbo ang napupusuan ko sa Race 5 ang Big Nevada at Boy Paradise habang ang couple entry no.2 ang napipisil ko na pandehado para sa Condition Race 17.
Ipinapatok ang White Chocolate na kalahok ni Mr.Patrick Uy at makakalaban ang Zophany Dane, Sta. Monica One, Absoluteresistance at Show The Whip sa Race 6.
Isama sa inyong paratingan ang mga kalahok na Lirpa’s Choice, Luyang Cave/All by Self, Alupay Star, You Are The One at Kissing Bandit para sa WTA,PICK6,PICK 5 at PICK 4 sa Race 7.
Tip Ni Mang Ding Race 1- Glitter Face/Sizzling Hot (1), Entry No.4
Race 2- Watch Out Amcoming/Warlock (1), Break and Shine (2) Yoshiko (7)
Race 3- Helushka (5) Gentleman Jim (1) Race 4- Holy Bullea/Liliput(4) Tipping Point(7) Mabsoy (6) Miss Thrifty(2) Race 5- Big Nevada (8) Boy Paradise(5) Entry No.2 Race 6- White Chocolate(1) Sta. Monica One(4)
Race 7- Lirpa’s Choice (12), Alupay Star(2) Kay Tagalog (9) Entry No.8 WTA(1-7)1/1-2-7/5/2-4-6-7/5-8/1/2-8-12
PICK 6(2-7) 1-2-7/5/2-4-6-7/5-8/1/2-8-12; PICK 5 (3-7) 5/2-4-6-7/5-8/1/2-8-12; PICK 4 (4-7) 2-4-6-7/5-8/1/2-8-12





Comments