top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

DENR official, kulong sa katiwalian

Vyne Reyes
Dec 28, 2018
1 min read

HINATULAN ng San­diganbayan na mapiit ang City Environment and Na­tural Resources (CENRO) Officer sa Pasig City dahil sa katiwalian.

Sa 20-pahinang desis­yon ng 2nd Division ng Anti-Graft Court, napatunayang guilty si Raquel Austria Na­ciongayo na pinarurusahang makulong ng isa hanggang tatlong taon.

Diskuwalipikado na ring humawak ng kahit anong po­s­isyon sa pamahalaan ang nasabing opisyal.

Ayon sa mga Mahistra­do, pinaboran ng akusado ang isang kumpanya sa ka­bila na wala itong matata­wag na tract record para ma­ging karapat-dapat na ma­kipagtransaksiyon sa gob­yerno.

Batay din sa testimonya ng ilang testigo, ang tatay ng akusado ay naging resource speaker sa training seminar habang incorporator naman ang kapatid nito at siya pa ang nagsilbing contact per­son ng kumpanyang Envi­serve.

Minadali umano ni Na­ciongayo ang pagpili sa na­sabing kumpanya at hindi dumaan sa public bidding.

Sinasabing ginawang sapilitan ang pagdalo sa training seminar ng kum­panya bilang bahagi ng re­quirement sa pagkuha ng environmental and business to operate permit.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page