Bebot na feeling scared na tumandang dalaga dahil bread winner ng pamilya
Dear Roma,
Nais kong humingi ng payo sa inyo tungkol sa pinagdaraanan ko. Ako si Jona, 21 years old at 4th year college. Sa ngayon ay mayroong nanliligaw sa akin at kahit gustuhin ko ay hindi ko siya maipakilala sa mga magulang ko dahil istrikto sila. Sigurado ako na ang sasabihin lang nila sa akin ay tapusin ko muna ang pag-aaral ko at magtrabaho ako para makatulong sa kanila. Wala silang ibang inaasahan na tutulong sa pagpapaaral sa mga kapatid ko kundi ako dahil may pamilya na ang mga kuya ko. Sa totoo lang, natatakot ako na tumandang dalaga katatrabaho at kapapaaral sa mga kapatid ko. Roma, ano ang maipapayo ninyo sa akin? Maraming salamat! — Jona
Jona,
Ang maipapayo namin sa’yo na kausapin mo ang iyong mga magulang nang sa gayun ay maintindihan nila na may plano ka rin para sa iyong sarili. Siguradong darating din ang panahon na maiintindihan ng iyong mga magulang na mahalaga rin ang iyong kaligayahan. Ngunit, ipangako mo sa kanila na patuloy mo pa rin silang tutulungan sa pagpapaaral sa iyong mga kapatid sa panahon na magkaroon ka ng kasintahan o asawa. Hiling namin na maunawaan ka ng iyong mga magulang. Good luck, girl!





Comments