ARESTADO NA SI BRONER SA FLORIDA, PERO POSITIBO SA ENSAYO VS. PACMAN
- Alvin Olivar / MC
- Dec 28, 2018
- 2 min read

PAANO na ang magiging laban ni Adrien “The Problem” Broner kay Manny Pacquiao sa Enero 19 kung kahapon ay tinuluyan na siya ng batas nitong Kapaskuhan at magba-Bagong Taon pa naman ay inaresto na sa Florida, U.S.A. dahil sa patung-patong na kaso.
Ayon sa ulat na lumabas sa TMZ kahapon, pinosasan ng mga awtoridad sa Florida si US boxing star Broner. Kaugnay daw ito ng kabiguan niyang pagpapakita sa korte dahil sa mga kasong isinampa sa kanya mula noong 2017.
Naaresto kasi si Broner noong Disyembre 2017 dahil sa pagmamaneho nang walang lisensiya, over speeding at walang rehistro ang kanyang sasakyan.
Hindi na rin siya nagdadalo sa mga ipinapatawag na hearing mula pa noong Hulyo. Pero pinalalaya naman siya matapos na mai-book sa korte.
Una na ring napabalitang tumalbog ang tseke niyang ibinayad sa isang jewelry shop at may balance pang $1.152 million sa binili niyang alahas. Nakatakda pa namang makalaban ni Pacman si Broner sa Las Vegas sa Enero.
Samantala ang balita naman hinggil sa pagkaaresto ni Broner ay ikinagulat ng coach niyang si Kevin Cunningham at aniya nasa progreso na ang kanilang training camp. “This is news to me. I didn’t know anything about it. Our camp is on point. He hasn’t missed a beat. Preparation is 100% and we are preparing to do what we are coming to do on January 19th and that is to destroy to Manny Pacquiao’s ass. There are no distractions in camp,” ani Cunningham sa BoxingScene.com.
Si Cunningham ay tine-train din si super welterweight contender Erickson Lubin para sa Pebrero 9 nitong laban kontra dating kampeon Ishe Smith at napakaganda na ng takbo ng kanilang training ni Broner.
“He hasn’t mentioned it to me. Whatever it is, it hasn’t effected his training camp. I haven’t ever seen him this focused. It is his best camp I have seen him in. We are locked in and loaded and focused on coming to Vegas and beating Manny. That is all of our focus over here,” ani Cunningham.





Comments