top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Aktor, nakalaya na nga, pero… BONG AT PAMILYA, SA OSPITAL NAG-PASKO

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 28, 2018
2 min read

SA St. Luke’s Hospital sa Taguig City nag-celebrate ng Pasko ang Revilla clan. Dito kasi naka-confine ang kanilang patriarchal head na si Ramon Revilla, Sr..

Taun-taon ay sa loob ng Revilla Mansion sa Imus, Cavite sila nagse-celebrate kasama ang more or less 70 children ni former Sen. Revilla, Sr..

Hopefully, nakalabas na siya by this time in time for the celebration naman ng Bagong Taon.

Ang anak ni Ramon, Sr. na si Bacoor Councilor Rowena Revilla ang nagsabi nito sa amin during our caroling with the members of the Philippine Movie Press Club kay Bacoor City Mayor Lani Mercado sa gym ng Munisipyo ng Bacoor.

Last year kasi ay si Councilor Rowena pa mismo ang naghatid sa amin sa farm ng mga Revilla kung saan doon mas pinili ng ama nila na mag-stay dahil fresh ang ha­ngin at tahimik.

Naluha pa noon si Mang Ra­mon when we sang in front of him at makita ang mga dating kaki­lala na veteran writers and past presidents ng PMPC.

Sayang lang kasi kung kai­lan nakalaya na si Bong, saka naman naka-confine sa ospital ang kan­yang ama. Nevertheless, okey na rin ‘yun kasi ngayon, puwede na niyang dalawin ang ama sa ospital anytime.

Ibang-iba na rin ang aura ni Mayor Lani nu’ng mag-carolling ang PMPC sa kanya this year. Kita sa mga mata niya ang saya at ‘di na siya umiyak nu’ng kan­ta­han namin ng Christmas song. Unlike last year, talagang ‘di niya napigilang umiyak habang kina­kanta namin ang Pasko Na, Sinta Ko.

Ibinida ni Mayor Lani ang mga naitayo na niya at magsisimulang proyekto sa Bacoor City. Una na ang pending project niya na reclamation sa Bacoor Bay.

Awa raw ng Diyos ay may legasiya na siyang maiiwan sa mga taga-Bacoor City.

“Plus, siyempre, ang gusto sana namin ay mapabalik si Bong sa Senado. Kasi napakaganda ng oportunidad talaga kapag may boses kami sa Senado. Kasi kapag may mga national projects kaming nandito, mas madali kaming makahingi ng national projects kasi siya ‘yung nasa Senado,” paliwanag niya.

Dagdag pa ni Mayor Lani, “Tapos si (Bacoor City Congressman) Strike naman ‘yung nasa Kongreso and he’s doing a good job. So, gaganu’n lang po ang teamwork namin. Siguro, ‘yun din ang kasagutan ko sa mga katanungan tungkol sa sinasabi nilang dynasty.”

Tao naman daw ang pumipili sa kanila at nakita ng mga ito kung ano ang ginawa nila sa Bacoor.

However, may bali-balita na baka magkaroon ng problema si Bong sa pagtakbo niya bilang senador this coming election.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page