top of page
Pokwang.jpg

YEARENDER: KAMPEONATO NG BLUE EAGLES HINDI LANG TROPEO, MALALIM, MAKAHULUGAN

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 27, 2018
2 min read

MALIBAN sa pag-angkin ng kampeonato mas makahulugan at ma­lalim ang naging hangarin ng bawat koponan parti­kular ang mga nagtuos sa finals ng nakalipas na UAAP Season 81.

Kung ihahalintulad sa nakaraang 5-peat ng Ate­neo Blue Eagles sa pagga­bay ng dating mentor na si Norman Black, hindi pa makakapantay ang back-to-back championships na kanilang nakamit sa ila­lim ni coach Tab Baldwin.

Gayunpaman, sa pa­na­naw ng beteranong tac­tician, ang kanilang naging panalo ay may malalim na kahulugan dahil hindi lamang tropeo ang kanilang pinagsika­pang makamtan.

“First of all, back-to-back doesn’t look so im­portant when you put it next to five in a row. It looks like a little bump on the road compared to that mountain that they did,” pahayag ni Bald­win.

“We want to pursue ex­cellence,” dagdag nito.

“You know, a cham­pion­ship is one measure of excellence, I guess. So if that’s a byproduct of the way that we do things, we hope that we continue to have championships in the future. Again that’s not the goal. That’s not what we set out to do.”

“Of course at the back of our minds in all honesty that’s an end­game for a team, to win a championship, but we just don’t talk too much about that. We talk more about how each one of these guys can be the best player they can be,” dag­dag nito.

Sa panig ng kanilang nakatunggaling UP Figh­ting Maroons, nagsilbing “moral victory” ang pag­tuntong nila sa kampeo­nato.

Kahit bigong tapusin ang kanilang Cinderella run dahil hindi nila nata­pos ang 32-taong pagka­uhaw sa kampeonato, halos para na ring nag­wagi ang Fighting Ma­roons sa kanilang naabot matapos ang mga pinag­daanang winless sea­sons, masakit na mga ka­biguan at mga panahong halos wala ng pumapan­sin sa kanila maging sa loob ng campus.

Kahit naging napaka­hirap ng kanilang nara­nasan upang makaahon mula sa pagiging cellar dweller, nagbunga ang ka­nilang mga paghihirap, pagtitiyaga at sakripisyo.

Bagamat nabigo sa laban, wagi ang tropa ni Coach Bo Perasol sa puso ng bawat miyembro ng komunidad ng Ma­roons. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page