top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pulis pinosasan, pinagsasampal, sinuntok, tinadyakan, dinuraan | MAG-AMANG MAYOR AT CONG. GARIN, LAG

  • Vyne Reyes
  • Dec 27, 2018
  • 1 min read

SASAMPAHAN ng patung-patong na kaso ng Police Regional Office 6 si Iloilo 1st District Congressman Richard Garin, Jr. at kanyang ama na si Guimbal, Iloilo Mayor Oscar Garin dahil sa umano’y pananakit ng mga ito sa isang pulis.

Ayon kay Western Visayas Regional Police Office Director Chief Supt. John Bulalacao, hindi nito palalagpasin ang ginawa umano ng mag-amang Garin kay Police Officer 3 Federico Macaya na biktima ng pangha-harass.

Nangyari ang insidente alas-3:20 kahapon ng madaling-araw sa Guimbal Public Plaza, sa Guimbal, Iloilo kung saan nakatalaga si Macaya.

Pinagtulungan umanong sinampal, tinadyakan, sinuntok at dinuraan ng mag-ama ang nasabing pulis.

Una rito, tinawag ng mga suspek ang pulis na agad dinisarmahan, kinapkapan at kinumpiska ang mga personal na gamit bago pinosasan habang tinututukan ng baril.

Sinabi ni Bulalacao na kasong physical injuries, alarm and scandal, direct assault against an agent of person in authority at grave coercion ang kanilang isasampa laban sa mga Garin.

Iniutos na rin ni Bulalacao ang pagbawi sa mga police escort ng mag-amang Garin at hiniling na kanselahin ang kapangyarihan ni Mayor Garin na mag-deputize ng mga pulis.

Sisibakin na rin nito ang Chief of Police ng Guimbal Municipal Police Station dahil sa kabiguan nitong umaksiyon para tulungan ang kanyang tauhan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page