top of page
Pokwang.jpg

Problemado sa sumasakit at namamagang lalamunan

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 27, 2018
1 min read

Dear Doc. Shane,

Bakit tuwing lumalamig ang panahon, palaging sumasakit ang lalamunan ko?

Noong nakaraan, pagharap ko sa salamin ay namamaga ito kaya pansamantala kong itinigil ang aking paninigarilyo. Nais kong malaman kung ano ang lunas para rito? — Eric

Sagot

Ang pamamaga ng lalamunan (sore throat) ay isang uri ng sintomas na dulot ng iba pang uri ng karamdaman. May kaakibat na pananakit, pangangati ng lalamunan at kahirapan sa paglunok.

Ang pinakamadalas na sanhi ng pamamaga ng lalamunan ay ang impeksiyon ng virus subalit, maaari ring dahil ito sa bacteria.

Narito ang mga sintomas na maaaring dulot nito:

  • Sipon — kapag ang pamamaga ng lalamunan na may kasamang pagbahing, pagluluha ng mga mata, ubo, sinat, sakit ng ulo at bahagyang pananakit ng katawan.

  • Trangkaso — kapag ang pamamaga ng lalamunan ay may kasamang pananakit ng kasukasuan, pagkakaroon ng lagnat, panghihina, panginginig, pagpapawis at pananakit ng katawan.

Narito ang mga dapat gawin para hindi ito lumala:

  • Pagpapahinga.

  • Pag-inom ng maraming fluid tulad ng tubig, tsaa na may honey, lemon o kalamansi.

  • Pagkain ng malalambot na mga pagkain.

  • Pag-iwas sa mga pagkaing maaalat.

  • Pagmumumog ng tubig na may asin — isang kutsarita ng asin na inihalo sa 2 tasa ng tubig.

  • Pag-iwas sa paninigarilyo.

  • Pag-iwas sa usok ng sigarilyo.

  • Paggamit ng lozenges.

Gayunman, maigi pa ring magpakonsulta sa doktor para mabigyan ng karagdagang payo at maresetahan na rin ng antibiotiko para rito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page