top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

PNP officials, nakapamasko raw sa raket na color games at drop balls, buwisit!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 27, 2018
2 min read

P-DUTERTE, KINONTRA NI SEC. AÑO—Kinontra ni DILG Sec. Eduardo Año ang sinabi ng kanyang boss na si P-Duterte na bago raw matapos ang kanyang termino ay drug free na ang Pilipinas.

Ayon kay Sec. Año, imposible umanong tuluyang mapuksa ang droga sa bansa dahil sangkaterba pa rin ang mga pulitiko at scalawag na pulis ang sangkot sa drug syndicate.

Sa statement na ito ni Sec. Año, parang sinabihan na rin niya si P-Duterte na tigilan na nito ang pag-iilusyon na magiging drug-free na ang Pilipinas sa 2022, boom!

◘◘◘

DAPAT SI SEC. AÑO NA ANG MAG-UTOS NA IPATOKHANG SINA ‘JUN PERES’ AT ‘IKING’—Ang sabi ni Sec. Año, napakarami pa rin daw ang scalawag na parak.

‘Yun naman pala, alam pala niya pero, bakit wala siyang ginagawang aksiyon?

Tulad halimbawa sa Northern Police District (NPD), may dalawang nagpapakilalang pulis dito na may mga alyas na Jun Peres at Iking ang lantarang gumagamit sa pangalan ni NPD Director Rolando Anduyan para makapanghingi ng payola, hindi lang sa mga gambling lord kundi pati sa mga bigtime pusher sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela) area, pero ang kataka-taka, walang ginagawang aksiyon ang NPD director laban sa dalawang “tongpats” collector na ito.

Ngayon, kung nais ni Sec. Año na mapuksa ang mga scalawag sa PNP, siya na mismo ang dapat mag-utos sa NPD na “itokhang” sina “Jun Peres” at “Iking,” period!

◘◘◘

DATI SA PANGINGIKIL AT RAPE, NGA­YON SA TONGPATS NAMAN NASASANG­KOT ANG MGA NAGPAPAKILALANG ‘TAO’ NI GEN. ANDUYAN—Noong si C/Supt. Anduyan pa ang hepe ng Manila Police District (MPD) ay sunud-sunod nasangkot sa kabulastugan ang mga tauhan nito sa MPD tulad nina P01 Radam Manglicmot, P01 Edmar Cayanan at P01 Jeff Calaguas na ipinahuli ni NCRPO Director General Guillermo Eleazar sa kasong extortion noong June 2018 at P01 Eduardo Valencia na natimbog naman sa kasong rape noong Nov. 2018.

Ngayong si Anduyan na ang director ng NPD, sa “tongpats” collection naman nasasangkot ang mga nagpapakilala niyang mga tauhan sa CAMANAVA area, buwisit!

◘◘◘

ILANG PNP OFFICIALS, ‘NAKAPA­MASKO’ SA RAKET NI ‘KIROS’—Tuloy pa rin daw ang raket na color games at drop balls ni “Kiros” sa Pulong Maragul, Angeles City.

Siguro, totoo ang idinadaldal ni “Kiros” na nagbigay siya ng pamasko sa ilang opisyal ng PNP-Region 3, CIDG-Region 3 at CIDG-Pampanga kaya “untouchable” ang kanyang raket sa lungsod na ito, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page