top of page
Pokwang.jpg

PHL U19 VOLCANOES, NAKATANSO SA THAILAND

Eddie M. Paez, Jr.
Dec 27, 2018
1 min read

PRODUKTIBONG alaala ang bitbit ng rugby sa bansa pagpasok ng 2019 dahil sa pagsampa ng Pili­pinas sa podium ng iba’t-ibang mga paligsahan sa na­kalipas na mga buwan.

Isa na rito ay ang U19 Di­vision 1 Asia Rugby Cham­pionships na ginanap sa Thailand kung saan na­hablot ng mga binatilyong rugby players natin ang me­dalyang tanso matapos da­igin ang karibal mula sa Chi­na, 33-19, sa duwelong pang­tersera upang iposte ang pi­naka­mataas na resulta sa nakalipas na limang taon.

Sa 2018 Asia Trophy Series naman, pilak ang na­iuwi ng Lady Volcanoes sa torneong nilahukan din ng mga koponan mula sa Uzbe­kistan, Pakistan, India, Nepal, Indonesia, Malaysia, Guam, Laos at ang pu­nong-abalang Brunei. Limang panalo sa anim na laro ang nairehistro ng mga Pinay.

Kasama sa mga ito ang pag-ungos sa Uzbekistan, 12-10; Pakistan, 38-0; India, 17-10; Nepal, 43-0 at Guam, 10-7 bago tumiklop kontra sa Malaysia.

Bridesmaid din ang na­ging papel ng Pilipinas sa Division 1 Asia Rugby Wo­men’s Championship noong Hunyo.

Nasaksihan ang pagko­po ng men’s 15s team sa Di­­vision 1 Asia Rugby Cham­pionships at ang pagdaig ng men’s residents XV na gru­po laban sa Guam sa isang exhibition affair.

At siyempre pa, ang pi­nakamaningning sa lahat ay ang pagsasabit sa leeg ng Philippine Volcanoes ng bronze medal sa 2018 Asia Sevens Series tungo sa pa­giging pangatlong pinaka­malupit na koponan ng rug­by sa buong Asya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page