NIETES, NASA HONGKONG NA, READY TO FIGHT NA KAY IOKA

SA Macau ang nakatakdang laban ni Donnie ‘Ahas’ Nietes at ni Japanese Kazuto Ioka at pakay manaig ng Pinoy sa nasabing laban. (RingTV)
ISANG linggo bago ang laban ay naroon na sa Hong Kong si three-division boxing world champion Donnie “Ahas” Nietes at ginagamay na ang sarili sa napakalamig na panahon bago ang WBO Super Flyweight World Championship fight kay Kazuto Ioka sa Disyembre 31 sa Wynn Palace Cotal sa Macau.
Noong Setyembre pa huling nagkaroon ng laban si Nietes kontra sa kapwa Pinoy na si Aston Palicte at tumabla pareho ang kanilang bakbakan.
Muling pakay ng 36-anyos na si Nietes na masungkit ang isang world championship katulad nina Welterweight World Champion Manny Pacquiao, WBA Super Bantamweight Champion Nonito Donaire, WBA Interim Featherweight World Champion Jhack Tepora at WBO Minimumweight World Champion Vic Saludar. Hawak ni Nietes ang ring record na 41 wins, 1 loss, 5 draw at 23 knockouts. Samantala, mas pinapaboran ni Top Rank boss Bob Arum si Amir Khan na magwawagi bagamat itinuturing niyang matinding kasagupa si WBO welterweight champion Terence Crawford.
Si Crawford na pino-promote ni Arum ay nag-alok kay Khan ng $5 million para kasahan ang alaga niya sa Marso 23, 2019 sa Madison Square Garden sa New York.
Nagkausap na sila ni Arum at umaasa siyang matutugunan ang kanyang offer at sa kanyang prediksiyon, patutumbahin ni Khan si Crawford. Unang inalok si Khan na makalaban si Kell Brook dahil sa mas malaking kikitain ng mga ito.





Comments