Lumad nagprotesta vs. NPA
NAGSAGAWA ng pag-aaklas ang grupo ng Lumad laban sa New People’s Army (NPA) sa Koronadal City, kahapon.
Kaugnay nito, kinilala ni Lt. Col. Harold Cabunoc, ang tapang na ipinamalas ng grupo sa kabila ng tiyak na kapahamakan mula sa NPA.
Ang aksiyon ng Lumad ay isinabay sa ika-50 anibersaryo sa pagkakatatag ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).
Ayon kay Cabunoc, nag-aalsa kontra sa komunistang grupo ang tribal leaders na pinangunahan nina Bai Nenita Billones at Ka Jason, na isang dating miyembro ng NPA.
Umabot sa 50 Lumad ang nagsisigaw sa galit dahil sa panlilinlang ng front organization na Kaluhamin para ang tribu ay sumampa sa armadong grupo.
Umabot na sa 203 rebeldeng NPA ang sumuko sa Makabayan battalion mula noong May 2017, 65 sa kanila ay nakatanggap na ng benepisyo mula sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program ng gobyerno.





Comments