LPG sumabog | 2 BEYBI PATAY SA SUNOG


PATAY ang magkapatid na babaeng sanggol matapos sumiklab ang sunog sa kanilang bahay sa Binangonan, Rizal, kahapon.
Kinilala ni Senior Superintendent Dionisio Bartolome, ang mga nasawi na sina Joanna, siyam na buwang gulang at Jonalyn Villapando, isang taong gulang.
Natagpuan ang bangkay ng magkapatid sa loob ng bahay matapos maapula ang sunog bandang hapon.
Sumiklab ang sunog bandang alas-10:30 ng umaga.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, lumabas ng bahay ang ina ng mga bata dahil may bibilhin nang magkaroon ng sunog, habang naglalaro sa labas ng bahay ang isa pang anak at nasa trabaho naman ang ama.
Tinitingnan ng mga awtoridad na sanhi ng sunog ang pagsabog ng maliit na liquefied petroleum gas (LPG). Wala namang ibang bahay na nadamay sa insidente. (BRT)





Comments