top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

KALABAN NI PACMAN, BRONER, NAESTAFA SA ALAHAS NA $1.15-M

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 27, 2018
  • 1 min read

NAKADEMANDA ngayon si dating four division world champion Adrien Broner dahil sa pag-isyu ng talbog na tseke sa isang jewelry shop.

Ayon sa ulat ng TMZ, kinasuhan ng Pristine Jewelers NY si Broner at inaa­tasan si Broner na bayaran ang iba’t ibang alahas na kan­yang kinuha na nagkakaha­laga ng kabuuang $1.252 million dahil tumalbog ang tseke nito at hindi na niya naba­yaran pa ang payment plan ng shop.

Base sa mga legal na dokumentong nakalap ng TMZ, nangako si Broner sa jeweler na ba­bayaran niya ang mga kinuhang alahas matapos ang laban niya kay Jessie Vargas noong Abril, pero tanging $100k lamang ang nasingil nila kay Broner at may balanse pa ang boxer na $1.152-M.

Halos isang taon nang walang abiso mula kay Broner at hinahabol na ng Pristine ang kabayaran ng mga alahas hanggang sa umabot na nga­yon sa demandahan.

Tiyak namang titipak ng malaking halaga si Broner sa nakatakda niyang laban kay WBA “regular” welterweight champion Manny Pacquiao sa Enero 19 sa MGM Grand sa Las Vegas.

Si Pacman ay nagmula sa isang malupit na performance noong Hulyo nang talunin si Argentine sluggers at world champion Lucas Matthysse sa 7 rounds.

Nagbalik ngayon si Pac­man sa U.S. para sa ikaapat na pagtatanggol niya ng welterweight world championship habang si Broner ay pakay ang ikalawang 147 pound championship. Kung magwawagi si Broner, ida­ragdag niya ito sa kanyang career defining win laban sa isang Hall of Famer. Nasa ila­lim naman ng promosyon ng MP, Mayweather at TGB ang laban nila. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page