top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

24 nadale sa paputok

Madel Moratillo
Dec 27, 2018
1 min read

MATAPOS ang pagdiriwang ng Pasko, umabot sa 24 ang biktima ng paputok na naitala ng Department of Health (DOH).

Sa inilabas na Fireworks-Related Injuries report ng ahensiya, mula alas-6:00 ng umaga ng Disyembre 21 hanggang 5:59 ng umaga ng Disyembre 26, nadagdagan pa ng 11 kaso ang unang 13 kaso na naitala mula Disyembre 21 hanggang Disyembre 25.

Mas mababa ng 54% o 28 kaso kumpara sa naitalang FWRI cases sa kahalintulad na panahon noong 2017.

Ayon sa DOH, ang 11 bagong FWRI cases ay mula sa National Capital Region na may 4 kaso; 3 ang mula sa Region VI at tig-isa naman mula sa Regions IV-A, V, VII at IX.

Ang 10 sa mga bagong biktima ay nasugatan sa paputok habang ang isa pa ay isang anim na taong gulang na lalaki na nakalunok ng pili cracker.

Nabatid na ang bata ay mula sa Tondo, Manila at aksidenteng nakalunok ng pili cracker na maaari umanong nagtataglay ng potassium nitrate at potassium chloride.

Agad namang naisugod sa Philippine General Hospital (PGH) para malunasan ang bata, na naka-confine pa hanggang ngayon matapos makitaan ng mga senyales ng pagkalason.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page