2 grupo ng MILF nagbakbakan, 4 todas
- Jeff Tumbado
- Dec 27, 2018
- 1 min read
APAT na miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang patay matapos magkaengkuwentro ang dalawang grupo ng MILF sa Bgy. Kaya-Kaya, Datu Abdullah Sangki, Maguindanao.
Dalawang iba pa ang nasugatan habang nadamay din sa insidente ang ilang sibilyan makaraang tamaan ng ligaw na bala.
Batay sa report ng Philippine Army 6th Infantry Division, naganap ang bakbakan sa pagitan ng dalawang grupo kung saan kapwa sangkot ang kanilang mga lider sa 106th Base Command ng MILF.
Nabatid na matagal nang may lamat ang relasyon ng dalawang grupo.





Comments