Wanted na bebot nasakote
Pabs Hernandez III
Dec 26, 2018
1 min read
ZAMBOANGA DEL NORTE—Isang wanted na babae ang naaresto ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Lawis, Sindangan sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Marissa Obrero, nakatira sa Bgy. Tangke, Talisay City.
Nabatid na dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.
Kusang sumama sa pulisya ang suspek nang dakpin ito sa nasabing lugar.





Comments