top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Sunud-sunod na pagpatay sa mga pulitiko sa kasalukuyang gobyerno, nakababahala!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 26, 2018
  • 2 min read

NAGING laman ng balita ang bullying sa Ateneo de Manila gayundin, maraming nagalit sa naganap na insidente. Naglabas ng kani-kanyang opinyon ng mga pulitiko, maging ang mga opisyal ng Philippine Association of Taekwondo (PAT) dahil bihasa sa taekwondo ang “bully” na ilang beses pa raw nanalo sa paligsahan. Pero ngayon, ang laman ng balita ay isa na namang pulitiko ang pinatay habang namimigay ng mga regalo sa mga senior citizen sa kanyang lalawigan sa Daraga, Albay. Plano umanong tumakbo sa pagka-mayor si Ako Bicol Representative Rodel Batocabe sa darating na halalan. Miyembro rin daw siya ng mga kumite sa Kongreso — sa dangerous drugs, good government and public accountability at natural resources.

Hindi pa malaman ng mga awtoridad ang motibo sa likod ng kanyang pagpaslang, pero hindi malayo na politika ang dahilan. Malapit na ang halalan kung saan may planong tumakbo si Batocabe. Hindi natin alam kung pang-ilan na si Batocabe sa mga napatay sa ilalim ng administrasyong ito. Gayunman, may nalutas na ba sa mga napatay na mayor, vice-mayor at iba pang pulitiko? Patayan ang palaging laman ng balita sa ilalim ng administras­yong Duterte kung saan tila manhid na ang mamamayan na tila ayaw nang makialam, huwag lang maging biktima.

◘◘◘

Pumayag na ang Senado, Palasyo at Kongreso na buwagin na ang Road Board dahil pinagmumulan lamang daw ito ng korupsiyon kung saan marami ang takam na takam na makuha ang pondo. Para matigil na ang kontrobersiya kung saan nagtuturuan ang Palasyo at Kongreso, parti­kular ang mga kaalyado ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo. Nagsalita na si Pangulong Rodrigo Duterte na buwagin na ang Road Board. Gayunman, wala nang magawa ang Kongreso kundi sumang-ayon na lang.

Pero, sino ngayon ang hahawak ng bilyun-bilyong nakokolekta mula sa mga motorista, mabubuwag na ang Road Board, pero nand’yan pa ang pera? Mabuti sana kung wala nang kokolektahin mula sa lahat ng motoristang nagre-renew ng rehistro. Ipapasok na raw sa budget ng bansa ang mga koleksiyon mula sa mga motorista. Mababantayan na kaya ang pera dahil bahagi na ng budget gayundin, sino na ba ang may hawak ng budget?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page