Rice hoarders na kinasuhan, dumami
UMAKYAT ng 44 porsiyento ang bilang ng mga negosyante at indibidwal na nahuli ng National Food Authority (NFA) kaugnay sa paglabag sa ilang alituntunin ng ahensiya.
Sa pahayag ng NFA, umaabot sa 8,826 grain traders ang kanilang sinampahan ng reklamo kumpara sa 6,128 noong nakalipas na panahon.
Umaabot naman sa higit sa P10 million ang kanilang nakuhang multa mula sa mga violator.
Ipinaliwanag ni NFA Administrator Tomas Escarez na ang kanilang mas pinahigpit na kampanya ay nagresulta rin sa inspeksiyon sa 168,140 establishments sa loob ng kasalukuyang taon.





Comments