top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

PASKONG TAKBO SA LOS ANGELES NI PACMAN, PAPAWIS SA GITNA NG SNOW

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 26, 2018
1 min read

DAHIL na rin sa sobrang lamig sa Ame­rika, sumabak sa takbuhan kahapon Martes ng umaga si WBA “regular” welterweight champion Manny Pacquiao kasama ang ka-sparring partner na si George Kambosos Jr., at kapatid na si Bobby.

Isang oras tumakbo si Manny at saka ito nag sit-ups. Sa bandang hapon ay suma­lang sa two rounds ng heavy bags, punching ball at mitts si Pinoy ring superstar kasama ang kanyang head coach na si Buboy Fernandez.

Ngayong araw ng Miyerkules ay sasalang naman sa 10 rounds sparring session si Pacquiao sa tulong nina Kambosos at Lydell Rodes. Kailangan daw talagang magpapawis sila nang husto sa U.S, ayon kay Bobby, dahil sa lamig sa Los Angeles at kailangang laging nagdya-jogging at kumakain ng karne.

Dumating na rin sa Estados Unidos ang buong pamilya ni Pacman na magdaraos doon ng Kapaskuhan hanggang sa Bagong Taon.

Samantala, bibigyan daw ng magandang laban ni Donnie “Ahas” Nietes ang katunggali niyang Japanese boxer na si Kazuto Ioka sa bisperas ng Bagong Taon. Isa rin kasing kampeon ang makakatunggali ni Nietes, ayon sa trainer niya na si Edito Villamor.

Dahil sa parehong gutom para sa division title ang dalawang boxer ay isa iyon sa magiging kaabang-abang para sa boxing aficionados. Bumiyahe na rin kahapon araw ng Pasko si Nietes pa-Macau at ang laban nila sa Wynn Palace, Cotai Arena para sa WBO super-flyweight title ay idaraos sa Disyembre 31. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page