top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Pamilya Duterte sobrang happy ang Pasko, pamilya ng mga na-EJK malungkot?! Hmmm...

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 26, 2018
  • 2 min read

PAMILYA DUTERTE, HAPPY; PAMILYA NG MGA NA-EJK, MALUNGKOT — Naglabasan sa mga pahayagan, telebisyon at social media ang larawang masayang magkakasama noong araw ng Pasko ang Pamilya Duterte.

Kung sobrang happy ang Pamilya Duterte noong araw ng Pasko, libu-libong bata at pamilyang Pinoy naman ang malungkot ang Pasko kasi hindi nila nakapiling sa panahon ng kapaskuhan ang mga mahal nila sa buhay na na-EJK (extrajudicial killings) sa drug war ni P-Duterte, hu-hu-hu!

◘◘◘

WALA NA NGANG NFA RICE, MAGTATAASAN PA ANG PRESYO NG MGA BILIHIN — Hindi lang ang pagkawala ng NFA rice sa merkado next year ang magiging dagok sa buhay ng mga Pinoy kundi pati ang dagdag-tax sa mga produktong petrolyo.

Kapag tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo, ang kasunod nito ay pagtaas din ng presyo ng mga bilihin.

‘Ika nga, dobleng dagok ang mararanasan ng mamamayan next year kasi wala nang mabibiling murang NFA rice tapos magtataasan na naman ang presyo ng mga bilihin, boom!

◘◘◘

MGA KATROPA NI ‘JOAQUIN’, DAPAT ‘SIPAIN’ NA RIN SA ATENEO —Hindi lang si bully student Joaquin ang dapat ma-dismiss sa Ateneo de Manila University kundi pati ang mga katropa nitong hindi umawat sa pambu-bully at pananakit sa mga kapwa nila mag-aaral sa eskuwelahang ito.

Kung pinayuhan sana nila ang katropa nilang si Joaquin na huwag i-bully o saktan ang mga kapwa nila estudyante, sana, walang na-bully at nasaktan, pero hindi nila ito pinigilan at sa halip tila sinulsulan pang i-video ang pambu-bully at pananakit nito sa mga kapwa nila mag-aaral sa Ateneo.

Dahil d’yan, dapat “sipain” na rin sa Ateneo ang mga katropa ni Joaquin kasi lumalabas na kinunsinte nila ang pambu-bully at pananakit nito sa mga kapwa nila mag-aaral sa eskuwelahang ito, period!

◘◘◘

PATI MGA BIGTIME PUSHER, HININGAN NG PAMASKO NG MGA ‘TONGPATS’ COLLECTOR — May impormasyon na pati raw ang bigtime drug pushers ay hiningan ng pamasko ng mga nagpapakilalang “tongpats” collector ng ilang police generals.

Dahil d’yan, malabong magkaroon ng katuparan ang sinabi ni P-Duterte na bago matapos ang termino niya ay drug-free na ang Pilipinas kasi imbes hulihin ang mga bigtime pusher, eh, hinihingan pa ng pamasko ng mga “tongpats” collector ng mga buwayang police general, mga buwisit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page