Mister nagbigti
NADALA pa sa pagamutan ang isang mister matapos magbigti sa kanyang bahay sa Bgy. San Miguel, Sto. Tomas, Batangas.
Bandang ala-6:30 ng gabi, nagulat na lamang ang misis ng biktimang si Manuel Maullon, 32, laborer, nang makita ang katawan ng kanyang mister na nakabitin sa kisame ng kanilang banyo.
Gumamit ito ng lubid at ipinulupot sa kanyang leeg.
Humingi ito ng tulong sa kapitbahay nito upang maialis ang biktima saka itinakbo sa ospital.
Idineklara itong dead-on-arrival ng mga rumespondeng doktor.
Posible umanong matinding depresyon ang motibo sa pagpapakamatay nito.





Comments