top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Misis niratrat, utas

Gina Pleñago
Dec 26, 2018
1 min read

TODAS ang 45-anyos na babae makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa Parañaque City.

Dead-on-arrival sa Premier Medical Center ang biktimang si Maricel dela Cruz, ng Bgy. San Dionisio.

Sa inisyal na ulat na nakarating kay Parañaque City Police Chief Sr. Supt. Rogelio ‘Jojo’ Rosales, nangyari ang pamamaril sa kahabaan ng Tulips St., Tramo Uno, alas-7:40 ng gabi.

Napag-alaman na habang naglalaro ng fruit game ang biktima, hindi nito namalayan ang pagdating ng armadong suspek na nakasuot ng facemask at agad siyang pinaputukan ng ilang beses bago tumakas.

Nagsagawa ng follow-up operation ang pulisya kaugnay sa pamamaril at inaalam na rin ang pagkakakilanlan ng suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page