Kung maaaring makulong ang sinumang magpapakita ng diskriminasyon sa katutubong bata

Dear Chief Acosta,
Magandang araw! Nais kong malaman kung maaari bang makulong ang isang tao kapag nagpakita siya ng diskriminasyon sa batang miyembro ng indigenous group o katutubo? — Mabel
Dear Mabel,
Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay tinatalakay sa Republic Act (R.A.) No. 7610 o “An Act Providing For Stronger Deterrence And Special Protection Against Child Abuse, Exploitation And Discrimination, and for other purposes.” Nabanggit sa nasabing batas na:
“Section 20. Discrimination. – Children of indigenous cultural communities shall not be subjected to any and all forms of discrimination.
Any person who discriminate against children of indigenous cultural communities shall suffer a penalty of arresto mayor in its maximum period and a fine of not less than five thousand pesos (P5,000) [but not] more than ten thousand pesos (P10,000).” (Binigyang-diin)
Samakatwid, ang discrimination sa isang bata dahil siya ay katutubo ay maaaring maparusahan ng pagkakulong ng apat (4) na buwan at isang (1) araw hanggang anim (6) na buwan. Higit pa rito, siya ay magbabayad ng multa na hindi bababa ng limang libong piso (P5, 000) ngunit, hindi lalagpas ng sampung libong piso (P10, 000).
Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments