Kaya make sure raw na nakapag-diet kayo, mga lodi! TIPS KUNG ANO ANG DAPAT ISUOT NGAYONG HOLIDAY SEA
- No Problem
- Dec 26, 2018
- 2 min read

DEHINS knows kung ano ang isusuot dahil sa dami ng pinupuntahang party at events? Don’t worry dahil tutulungan namin kayo r’yan. Alamin ang ilang tips kung ano ang mga usong outfit ngayon Holiday Season:
1. CROP TOP. Yes, mga teh, kaya dapat nakapag-diet kayo at huwag kayong kumain ng marami ngayong kapaskuhan, kontrolin pa rin ninyo kung kaya, para kapag nagsuot kayo ng crop top, eh, hindi pangit tingnan. Okie?
2. RIPPED JEANS. Usung-uso ngayon ang mga pantalon na parang nasabit ka lang sa mga wire kung saan kahit saang parte ng pantalon, eh, may punit, ang kulang na lang, eh, wala ka nang masuot. Ha-ha-ha!
3. ANKLE PANTS. Gusto n’yo bang mag-ala-John Lloyd Cruz, ito na ang sikreto, mga lodi! Piliin n’yo ‘yung pants na bitin, siguradong magiging peg n’yo talaga ang pormahan ni Lloydie. Hi-hi-hi!
4. OFF-SHOULDER. Ito ‘yung outfit na para ka lang babakunahan, ‘yung tipong conservative, pero may pagka-daring din. Bet na bet ito ng millenials kaya, puwede n’yo itong maging OOTD (outfit of the day), mga beshy!
5. LOOSE POLO. Bidang-bida rin ang mga damit na maluluwag, ito ang bet ng mga taong may itinatagong bilbil. Hi-hi-hi! Kapag ito ang suot mo, ready ka nang sumabak sa lamunan, besh!
6. OVERSIZED JACKET. Siyempre dahil medyo malamig ang simoy ng hangin, magpapatalo ba ang ilan na mahihilig magsuot ng jacket d’yan? Pero, iba na ngayon dahil kung dati ang hilig natin, eh, ‘yung mga fit na jacket, ngayon, keri na rin ang mga oversized. Woah!
7. DENIM. Maong dito, maong doon. True, kahit saan ka tumingin, hindi mawawala ang mga taong nagsusuot ng denim, ‘yung tipong denim na ‘yung top, denim pa ‘yung pantalon. Anak ng denim naman! Ha-ha-hays!
8. TUCK-IN SHIRT IN HIGH WAISTED PANTS. Para maitago ang bilbil, solusyon din d’yan ang pagsusuot ng high waisted pants, kaya don’t hesitate na magsuot nito kung keri n’yo namang dalhin.
Oh, ayan, mga beshy! Huwag na kayong mag-worry kung wala na kayong maisuot ngayong Holiday Season dahil for sure, sa ilang tips na ito, may nakuha kayong impormasyon kahit papaano. He-he-he! Enjoy the Holiday Season!
Copy?





Comments