Kamukha raw nina Julia at Yassi… PIKTYUR NI COCO NA NAKADAMIT-BABAE, PINAGPIYESTAHAN NG NETIZENS
- Nitz Miralles
- Dec 26, 2018
- 1 min read

MAY eksena sa Jack Em Popoy na parehong nakaayos at nakadamit-babae sina Vic Sotto at Coco Martin. Ang gagandang babae ng dalawa na gumaganap na mga pulis sa MMFF entry na tampok din si Maine Mendoza.
Sa Instagram (IG) ni Coco, naka-post ang photo ng aktor na nakaayos-babae. Wala siyang caption, pero tuwang-tuwa ang mga netizens sa kanya. Hindi lang magkasundo ang mga followers ni Coco kung sino kina Julia Montes at Yassi Pressman ang kanyang kamukha ‘pag babae siya.
Ang sipag mag-promote ni Coco ng Jack Em Popoy. Ipinost niya ang pagsakay niya sa special vehicle ng MMDA matuloy lang ang parada. Nag-thank you si Coco sa lahat ng tao na nag-abang at nagpunta sa parada kahit umuulan.
“Pasensiya na po at ‘di na nagamit ang mga float namin dahil nalubog sa putik. Ganunpaman po, lahat ng mga artista, nagkasundo na gawin ang lahat para mapasaya ang mga tao,” post ni Coco.
Sa direction ni Mike Tuviera, graded A ng CEB ang Jack Em Popoy. Ipinost ito ni Coco pati ang poster ng movie.





Comments