top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Ang eleksiyon parang basketball, 'pag bopol ang Comelec bilang referee, madugo ang halalan!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 26, 2018
1 min read

Maraming Indonesians ang nag-Pasko sa ilalim ng guho.

Dahil ‘yan sa malagim na Christmas tsunami!

◘◘◘

Politika ang itinuturong motibo sa pagpatay sa Bicol solon.

Marumi talaga ang politika!

◘◘◘

Kapag hindi na-assassinate ang kalabang kandidato, titirahin siya ng black propaganda.

Inutil ang election code!

◘◘◘

Sa basketball, madalas ang rumble kapag palpak ang referee.

Ganyan din sa election kapag bopol ang Comelec malamang, madugo at maaaring may “dayaan” ang halalan!

◘◘◘

Hindi na kagalang-galang ang mga election winner.

Ang mga nananalo sa bilangan ay mas kagulang-gulang!

◘◘◘

Pinalaya na raw ang anak ni Nicanor Faeldon, Sr.

Ayaw niya itong mang-agaw ng baril!

◘◘◘

Dinudumog si dating Senador Ramon “Bong” Revilla, Jr. sa pangangampanya nito sa mga lalawigan.

Isang slot ang sure sa Top 12!

◘◘◘

Ilang piraso na lang ang slot sa Senado para sa mga baguhan.

Kailangan na nilang magnobena!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page