2 kotse nagsalpukan, 7 nadale
- BULGAR

- Dec 26, 2018
- 1 min read
PITO ang sugatan nang mahulog sa gilid ng highway ang isang kotse nang makasalpukan nito ang isa pang sasakyan sa Candelaria, Quezon, kahapon ng hapon.
Sa lakas ng banggaan na naganap sa Diversion Road ala-1:00 ng hapon, nawasak ang harapan ng sasakyan.
Ilang bata ang kasama sa mga nasaktan na nilapatan ng paunang lunas bago dinala sa ospital ng rescue team ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.
Patuloy na ang imbestigasyon upang matukoy ang may kasalanan sa insidente. (BRT)





Comments