12-anyos dedo sa sunog

Dec 26, 2018
1 min read

PATAY ang 12-anyos na lalaki sa naganap na sunog sa Bgy. Duljo Fatima, Cebu City, madaling-araw ng Pasko.
Kinilala ang nasawi na si Cyrus John Ferras.
Batay sa imbestigasyon, natutulog ang bata sa computer shop nang maganap ang insidente. Ayon sa mga residente, sinubukan nilang gisingin ang bata subalit, natulog itong muli.
At nang balikan ng mga residente ang lugar, nasunog na ang buong establisimyento kasama ang bata. (BRT)





Comments