Video ng pambubugbog matapos mag-viral sa FB | BULLY SA ATENEO, KICK OUT!

NAGDESISYON na ang pamunuan ng Ateneo de Manila University na i-dismiss ang isa sa kanilang junior high school student na nakuhanan ng video na nambu-bully o nang-aapi ng kamag-aral.
“After a thorough investigation that included listening to all parties involved, the decision of the administration is to impose the penalty of dismissal on the student caught bullying another student in the comfort room of the school,” pahayag ni Ateneo President Jose Ramon Villarin sa isang pahayag.
Dahil dito, hindi na makababalik sa Ateneo ang nasabing junior high school student. Ikinatuwiran ni Villarin na sa kabila na may mga patakaran na ang unibersidad kontra bullying, bumuo pa rin siya ng task force na pag-aaralan kung dapat pang dagdagan ang mga patakaran para matiyak na ligtas mula sa pang-aapi ang mga estudyante.
Matatandaang, nag-viral sa social media ang video kung saan mapapanood ang isang estudyante ng Ateneo Junior High School na hinamon ang kanyang kamag-aral sa loob ng banyo ng kanilang paaralan bago niya ito sinipa at pinagsusuntok.
Pinapili muna ng bully ang isang lalaking umiihi kung bugbog o dignidad. Kung pipiliin umano nito ang dignidad ay paluluhurin umano ito at pahahalikan ang sapatos at ang bayag ng bully boy.
Binilangan ng bully ang estudyante, matapos ang bilang ay pinormahan na ito na aktong bubugbugin.
Pinagsusuntok at sipa ng maliit na bully boy ang estudyante, matapos makakonekta ng solidong suntok ay dumugo ang nguso nito.





Comments