Sey ng experts...PAGLALAGAY NG BUTTER SA KAPE, GOOD SA HEALTH!
- Donna Thea Topacio
- Dec 24, 2018
- 1 min read

MARAMI talaga sa atin ang mahilig magkape dahil kakaiba ang naidudulot nito sa ating buhay lalo na kapag inaantok tayo, pero ayon sa mga dalubhasa, mas mainam ang kape kung nilalagyan ito ng butter. Weh, ‘di nga?
Ayon sa mga eksperto, ang butter coffee ay maganda sa kalusugan dahil nai-improve nito ang ating pag-iisip.
Gayundin, nakatutulong ito upang pumayat tayo at gumanda ang build ng ating muscles at nakai-inrease rin ito ng performance natin sa school at sa trabaho.
Hindi lang ito mainam sa kalusugan dahil masarap din ang lasa nito, gayundin bagay ito sa mga nagke-keto diet diyan.
Dagdag pa rito, kahit walang masyadong caffeine ang butter coffee ay nakapagbu-boost pa rin ito ng energy at nutrients na nakukuha natin sa mga masusustansiyang pagkain.
Samantala, napakadali lang gawin ng butter coffee dahil kahit anong klase ng kape ay maaari ninyong gamitin para makagawa nito.
Gayunman, marahil ay nangangamba kayo dahil sa fats na naidudulot ng butter? Huwag kayong mag-alala dahil ayon sa mga dalubhasa, bumababa ang fats na mayroon ito kapag inihalo na ito sa kape kaya imbes na madagdagan ang timbang ninyo, eh, hindi ito mangyayari.
Sa katunayan, nakagaganda raw ito ng metabolism kung saan matatanggal nito ang toxins sa ating katawan.
Kaya kung isa ka sa mga madlang pipol na may problema sa vowel movement, alam n’yo na, ha?
Kaya kung gusto mong maging better, eh, di gumawa na kayo ng butter coffee, mga besh!
Copy?





Comments