top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Pulis niratrat, utas

  • Jeff Tumbado
  • Dec 24, 2018
  • 1 min read

ISA na namang aktibong pulis ang pinagbabaril hang­gang sa mapatay ng hindi pa matukoy na mga kalalakihan sa Tacloban City, kahapon ng umaga.

Wala ng buhay na bu­mu­lagta ang biktimang si PO2 Lawrence Tabungar, 34, nang pagbabarilin ng grupo.

Ayon sa report kay Po­lice Senior Inspector Ian Po, nangyari ang pananambang alas-9:15 ng gabi sa bahagi ng Eastern Visayas Regional Medical Center sa Bgy. Ba­cagay.

Sakay umano si PO2 Tabungar sa kanyang kotse at pauwi na sa Bgy. Peerless nang tambangan.

Bago ang insidente, may ilang nakasaksi sa krimen na pumuwesto ang ilang mga suspek sa tabi ng kalsada na umano’y naghihintay sa pag­­dating ng biktima sa lugar.

Sinabi pa ni Po na katata­pos pa lamang sa duty si Ta­bungar bilang patrol mobile unit sa Tacloban City Police Office nang sundan ito ng mga suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page