top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Pasko inulan, mga ninong at ninang natuwa?

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 24, 2018
1 min read

AABOT sa 200 ang namatay sa tsunami sa Indonesia.

Malagim na Pasko!

◘◘◘

PINAGPIYESTAHAN ang road board.

Kayrami nang yumaman d’yan at nagkasala!

◘◘◘

MAULAN ang Pasko.

Lihim na natuwa ang ilang ninong at ninang!

◘◘◘

PINATAY ang isang kongresista na kakandidatong mayor sa Bicol.

Nag-shortcut ang eleksiyon!

◘◘◘

NABIKTIMA naman ng akyat-bahay ang isa pang kongresista na nakipaglamay sa labi ng kasamahang kongresista.

May peace and order pa ba sa Bicol?

◘◘◘

GAGAWIN na ring public transport ang single motorcycle.

Dapat bigyan na rin ng prangkisa pati bisikleta at kariton de-tulak!

◘◘◘

MARAMI ang tatanghod sa noche buena ng mayayaman ngayon.

Dahil ‘yan sa hirap ng buhay!

◘◘◘

‘YUNG mga mayayaman at mayayabang, panay post ng kanilang noche buena sa Facebook.

Paano ‘yung may facebook, pero walang mai-post na noche buena?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page